Ikinasal na nga sina Angel Locsin at Neil Arce!

Sa kanilang latest vlog entry kung saan ipinakita nila ang mga paghahanda sa paglilipat-bahay, inamin na ng 'mag-asawa' na ikinasal na nga sila, sa huling segundo ng video.

Makikita rin sa Instagram post ng matalik na kaibigan ni Angel na si Dimples Romana ang ilan sa mga kuhang larawan sa seremonya ng kanilang kasal.

"In case you missed the end of their surprise reveal VLOG , check out the Angel and Neil channel on YouTube channel. May we present to you, Mr. and Mrs @neil_arce @therealangellocsin," saad sa IG caption.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Larawan mula sa IG/Dimples Romana

Masayang-masaya si Dimples dahil isa siya sa mapapalad na nakasaksi sa pag-iisang dibdib na ito, kasama ang kaniyang mister na si Boyet.

"Like the way you have our backs, MR and MRS @neil_arce @therealangellocsin, we will always have yours @papaboyetonline and I are honored and humbled to have been part of this beautiful moment and like what our beloved Mayor @linocayetano said, Kapag mawala pa lahat, HOPE, FAITH and LOVE remains , truly you are each other’s treasure, anubaaaaaaa naiiyak pa din ako!!! Hhahahahaha @stephenpechon @niceprintphoto."

Larawan mula sa IG/Dimples Romana

Samantala, sa mismong IG post ni Angel, sinabi niyang sa mga susunod na araw na lamang siya magbibigay ng update, dahil hindi 'namimilipit' umano siya sa kilig!

"...and just like that... Bukas na yung iba. Namimilipit pa ako sa kilig!"

Larawan mula sa IG/Angel Locsin

Image
Larawan mula sa IG/Angel Locsin

Sa Instagram post naman ni Neil Arce, ang tanging caption lamang niya sa larawan nila ni Angel ay "Pa-mine" na kadalasang sinasambit sa online selling.

Larawan mula sa IG/Neil Arce

Masayang-masaya naman ang ina ni Neil na si Mommy Jean, dahil sa wakas raw ay ikakasal na ang kaniyang anak. Botong-boto naman siya kay Angel, na inilarawan niya bilang 'down to earth.'

“Super happy ako ngayon dahil magpapasal ka na. Thirty-eight years ka na. Alam mo naman yung ang request ko sa’yo di ba? Na sana magpakasal ka na habang maganda pa ako,” aniya.

"“Finally Angel will take care of you and not me anymore."

"My advice is sundin mo ang gusto ni Angel para masaya kayo. Ikaw dapat ang mag-asikaso ng bahay. Ikaw dapat ang mag-asikaso kay Angel. At pagnagka-anak kayo, ikaw dapat ang mapuyat at hindi si Angel.

“Para maging masaya ang wife mo, ipag-shopping mo. Happy wife, happy life,” paalala niya kay Neil.

Ibinahagi na rin sa Facebook page ng 'Nice Print Photography & Exige Weddings' ang iba pang mga kuhang larawan sa kanilang kasal.

May be a black-and-white image of 2 people, people standing and indoor
Larawan mula sa FB/Nice Print Photography & Exige Weddings

May be an image of 2 people, people standing, flower and indoor
Larawan mula sa FB/Nice Print Photography & Exige Weddings

May be an image of 2 people, people standing and indoor
Larawan mula sa FB/Nice Print Photography & Exige Weddings

May be an image of 1 person and standing
Larawan mula sa FB/Nice Print Photography & Exige Weddings

May be an image of 1 person, standing and indoor
Larawan mula sa FB/Nice Print Photography & Exige Weddings

Congratulations, Mr. and Mrs. Arce!