Isinilang ni Kristine Hermosa-Sotto ang ikalimang anak nila ng mister na si Oyo nitong Agosto 3, 2021, sa ganap na 11:47 ng gabi.

Sa Instagram post ni Oyo, isang malusog na baby boy ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. Ngayon pa lang, pinangalanan na nila itong 'Vittorio Isaac.'

Chika ni Oyo, answered prayer ang maayos at ligtas na panganganak ng kaniyang misis na si Kristine, na hindi pa rin halatang may apat na chikiting nang nagsilabasan mula sa kaniya. Perfect timing umano ang oras ng panganganak ng misis dahil kumayod pa si Oyo mga bandang umaga.

"Aug. 3, 2021 11:47 p.m. Lord Jesus maraming salamat! You are faithful! Thank you for another answered prayer! Perfect timing ka talaga Lord, nakapag trabaho pa ako kaninang umaga. To my family and friends, thank you for all your prayers. I love you. Welcome to the world Vittorio Isaac. I love you!" ani Oyo sa kaniyang IG post.

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

Screenshot mula kay Oyo Boy Sotto/IG

At syempre, hindi naman nagpahuli sa pagbati ang mga celebrity friends nila ni Kristine, na fresh na fresh pa ring tingnan at para bang hindi nahirapan sa pagluluwal ng kanilang baby boy.

Apat na ang junakis nina Kristine at Oyo; sina Kiel, Kaleb, Vin, at Ondrea, na kaisa-isang babae.