Kinuwestiyon ni Senator Leila de Lima ang umano'y maanomalyang paggastos ng pamahalaan sa anti-communist task force fund nitona nagkakahalaga ng₱19.2 bilyon.

Ipinahayag ni De Lima na kahit walang matinong programa ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay nagastos pa rin ang pondo sa hindi maayos na pamamaraan batay na rin sa annual report ng Commission on Audit (COA).

Nauna nang nanawagan si Senator Franklin Drilon sa COA na isailalim sa special audit ang pondo ng NTF-ELCAC dahil posibleng nagkaroon ng anomalya sa mga ginastos nito.'

Inalmahan din ni De Lima ang plano ng gobyerno na gawing₱40 bilyon ang pondo ng NTF-ELCAC para sa susunod na taon.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Leonel Abasola