Balik-Pilipinas na nga si Megastar Sharon Cuneta matapos ang pagbabakasyon sa Amerika, batay sa updates sa kaniyang Instagram post nitong Agosto 3, 2021.

Aniya, mga bandang 4AM siya nakarating ng Maynila at agad na dumiretso sa isang hotel para sa 10-day quarantine.

"Arrived back home in Manila very quietly at 4 something in the morning on August 1. Am now in my 10-day quarantine. Same building as our home, but in the other half where the hotel is," salaysay ni Mega.

"I cannot even see high up to our balcony where I wished yesterday that I would be able to even just see my babies and Kiko waving at me," dagdag pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

Screenshot mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

Kaya lang, may ilang mga followers ni Mega ang medyo nababahala sa ilang pahayag niya sa IG post. Para bang may pinagdaraanan ito ngayon, dahil humihingi ito ng panalangin. Aniya, kahit talaga anong tino ng pamumuhay, magkakaroon ka pa rin ng problema.

"Pero mabait ang Panginoon and He has never let me down, and so I have lifted everything up to Him and I trust in Him completely. Lilipas din lahat ito!"

"Itong nasa pictures na ito po ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa hotel room ko pagdating ko from the airport! Pampasaya talaga ng puso. I’m home everyone! I’ve missed you all and am gonna get back to work soon," bawi naman niya, matapos makita ang mga posters na ginawa ng kaniyang mga anak para sa kaniya.

Screenshot mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

Screenshot mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

Screenshot mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

Screenshot mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

Isa rin sa mga dahilan kung bakit umuwi na si Mega ay dahil ipalalabas na sa online streaming ang kontro bersyal niyang pelikulang "Revirginized" produced by Viva Films, sa Agosto 6.