QUEZON - Hinatulan ng walong taong pagkakabilanggo ang isang dating alkalde ng lalawigan at dalawang iba pa kaugnay ng maanomalyang pagbili ng mahigit sa ₱1 milyong plastic wares noong 2008.

Ito ay matapos na mapatunayan ng Sandiganbayan-6th Division na nagkasala sina dating Lopez, Quezon at ngayo'y 4th District board member Isaias Ubana, municipal employee Bernadette Nieva at Leonardo Revuelta, na isang supplier, sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 (Anti- Graft and Corrupt Practices Act) at falsification of public documents (Article 171).

Ibinaba ang desisyon ng kaso nitong nakaraang Hulyo 23, gayunman, nitong Lunes lamang ito isinapubliko.

Nag-ugat ang kaso nang pirmahan nina Ubana at Nieva ang inspection at acceptance report matapos umano silang umaktobilang GeneralServices officer at authorized inspector para sa pagbili ng plastic wares na nagkakahalaga ng₱1,055,432.00 noogNobyembre 2008.

Probinsya

Tinderang tumaga sa aspin na nagnakaw umano ng karne, timbog!

Sa audit report, natuklasang nagkaroon ng anomalya sa nasabing transaksyon dahil sa 'ghost' delivery ng kitchen wares kahit binayaran na ito kay Revuelta.

Bukod sa pagkakakulong, iniutos din ng anti-graft court na magmulta ang mga ito ng tig-₱5,000.

Danny Estacio