Ikinasal na si Kapamilya actress Yam Concepcion sa kanyang longtime boyfriend na si Miguel Cuunjieng.

Nagpalitan ng “I dos” ang magkasintahan sa isang civil ceremony sa isang yate sa New York.

Kabilang sa mga dumalo sa espesyal na event sina TV host Tim Yap at ABS-CBN journalist MJ Felipe, na siyang nagbahagi ng ilang behind-the-scene shots sa wedding ng aktres.

Sa Instagram story ni Tim, makikita si Yam habang naglalakad pababa ng dock kasama ang kanyang alagang aso na si tiny.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang romantic naman ng dating habang nagpapalitan ng wedding vows ang couple, dahil nasa background nila ang sikat na colossal neoclassical sculpture ng Statue of Liberty.

Samantala, nag-upload naman si MJ, ng isang group photo nila, kasama si Tim at ng bagong mag-asawa

https://www.instagram.com/p/CRuvYP5pWip/

IG Photo mula kay MJ Felipe

“Congratulations Mr. and Mrs. Cuunjieng!” caption ni MJ.

Nitong nakaraang buwan, sinurpresa ni Yam ang kanyang fans sa pagbabahagi na 2018 pa siya na-engaged.