Usap-usapan sa social media ang isang clip mula sa naging iconic performance ng pop icon na si Justin Bieber sa Coachella noong nakaraang weekends.
Sa viral clip na nagkalat sa social media, mapapanood ang paglapit ni Justin sa kaniyang fans habang kumakanta. Kasunod nito, sumandal na rin ang singer sa barricade na naghahati sa kaniya at sa fans, dahilan upang mahawakan at mayakap siya ng mga ito.
Subalit, isang babaeng fan ang tila agaw-pansin habang hinahawakan si Justin. Ang kaniyang kamay kasi, tila iba na raw ang sinusubukang abutin mula sa likurang bahagi ng singer.
Makikita sa video kung paano bahagyang bumaba ang kamay ng babae sa hita ni Justin at halos mahawakan na ang birdie ng singer.
Kaya naman hirit ng netizens, tila ibang “beat” daw ang gustong hawakan ng fan habang sumasabay sa beat ng awitin ni Justin.
“Si ate yung example na pag nasa harapan mo, wag na papakawalan!”
“Ate gurl may jusawa na ‘yan, ikalma ang kiffy!”
“Si Atey ‘di nahiya na hagip din siya sa camera.”
“Grabe attempt ni ate, di papaawat.”
“Ibang beat ang nais hawakan ni ate!”
“Napaka-disrespectful naman ng fanney na ‘yan.”
“Justin, konting usog pa raw.”
“Gets ka namin ate!”
“Uuwing sumakses si ate”
Samantala, wala namang komento si Justin hinggil sa viral video.