Naging madali na lamang sa Pinoy boxer na si Irish Magno na makamtam ang matamis na panalo sa laban nito sa Kenyan na si Christine Ongare sa pagsabak nito sa 2020 Tokyo Olympics sa Kokugikan Arena sa Japan nitong Linggo.
Nakuha ni Magno ang tagumpay sa pamamagian ngunanimous decision sa pagsalang nito sa women’s flyweight boxing Round of 32.
Pabor ang limang hurado kay Magno sa kanilang iskor na30-26, 30-27, 30-27, 30-27, 30-27 tungo sa 5-0 sweep nito nang dominahan ang buong laban.
Haharapin ni Magno ang Thai boxer na si Jutamas Jitpong sa pagsabak nito sa Round of 16.
Bukod kay Magno, pasok din sa Round of 16 si 2019 AIBA World Boxing Championships gold medalist Nesthy Petecio para sa national boxing team.
Carlo Anolin at Marivic Awitan