Kinansela na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang mga nakatakdang laban ng TNT at Terrafirma sa linggong ito sa 2021 PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City bilang bahagi pa rin ng health and safety protocols ng liga.
Habang nasa isolation ang dalawang koponan, ipinagpaliban na rin ng PBA ang mga susunod nilang laban ngayong weekend -- ang Tropang Giga kontra Meralco sa Sabado at ang Dyip kontra Rain or Shine sa Biyernes(Hulyo 23).
Matatandaang apat na manlalaro ng TNT ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 kaya isasailalim muli sila pagsusuri.
Ang magiging bagong schedule ngayong Biyérnes, Hulyo 23,ay ang tapatan ng Barangay Ginebra at Blackwater, dakong 3:00 ng hapon na susundan ng laban ng San Miguel Beer at NLEX, dakong 6:00 ng gabi.
Sa Sabado, Hulyo 24, maglalaban naman ang Meralco at Rain or Shine, dakong 2:00 ng hapon na susundan ng salpukan ng Alaska at Phoenix, dakong 4:35 ng hapon.
Marivic Awitan