BENGUET - Tatlong drug personalities, kabilang ang isang menor de edad ang naaresto matapos mahulihan ng₱2.4 milyonghalaga ng marijuana sa ikinasang buy-bust operation saRockshed, Poblacion, Marcos Highway, Tuba, nitong Miyerkules.

Kinilala ni Police Regional Office-Cordillera Director Ronald Oliver Lee, ang mga nadakip na sina Laista Ligawen Pedro, 20; Jimmer Sawasi Bedkingan, 27, kapwa magsasaka, at taga-Busok, Poblacion, Atok, Benguet at isang 17 taong gulang na lalaking taga Sob-ong, Ambassador, Tublay ng naturang lalawigan.

Sinabi ni Lee, nakipag-coordinate sa kanila ang Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA)-Region 3 at Nueva Ecija Police Provincial Office kaugnay ng ka-transaksyon nilang tatlong suspek na magbebenta ng marijuana.

Nakumpiska sa mga suspek ang 20 kilos ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P2,400,000.00.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasamsam din sa kanila ang buy-bust money at boodle money, kabilang ang isang tatlong cellphone at Tamaraw FX na may plakang UUW 204.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Zaldy Comanda