Muntik nang tanggihan ni Lovi Poe ang pelikulang “The Other Wife” ng Viva. Isang seksing psychological thriller na tampok din sina Joem Bascon at Rhen Escaño na streaming na sa Vivamax sa July 16. Mabuti na lamang ang naibigan niya ang kakaibang twist ng istorya na may pagka-Alfred Hitchcock ang dating.

Katauhan ni Janis at asawa ni Ronnie na nagbabakasyon sa beach house upang ayusin ang pagsasama bilang mag-asawa ang role ni (Lovi). Nagbago ang sitwasyon sa biglang pagdalaw ni Luisa (Rhen Escaño) ang kababata ni Ronnie (Joem Bascon) at isang lihim ang masisiwalat na buong akala ni Janis ay guni-guni lamang.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa mga intimate scenes nila ni Joem, hindi ba nagselos ang banyaga niyang boyfriend na si Monty Biencowe?

“Naiintindihan niya ang trabaho ko kasi involved siya sa filmmaking at hindi niya ako dinidiktahan,” say ni Lovi.

Sa data base profile ay nakatala ang pagiging executive producer ni Monty. Sa mga pelikula kagaya ng “Heist” (Robert De Niro) “Escape Plan” (Sylvester Stallone) at “Marauders” (Bruce Willis).