Nananatiling optimistiko ang hunk actor na si Aljur Abrenica sa gitna ng pagsasapubliko ng kanilang hiwalayan ng asawang si Kylie Padilla.

Matatandaang mismong ang ama ni Kylie, na si Robin Padilla, ang nagkumpirma ng hiwalayan ng mag-asawa dahil umano sa “third party.”

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

“Don’t gain the world and lose your soul; wisdom is better than silver or gold,” mababasa sa ipinost na quote ni Aljur sa Instagram.

Matatandaang sa isang post, ibinahagi ni Kylie na: “Best thing to do is not to blame anyone for the things that happened.”