Hiniling ni Senator Risa Hontiveros sa Department of Labor and Employment (DOLE) na imbestigahan ang napaulat na pang-aabuso na nararanasan ng mga delivery riders mula sa mga mobile app operator.

Isinagawa ng senador ang hakbang matapos na suspendihin ng food delivery app na Foodpanda ang may 500 accredited riders sa Davao City matapos na makilahok sa isang kilos-protesta bilang pagsuporta sa mga nasuspindeng rider sa loob ng sampung taon.

"DOLE should swiftly mediate and look into the working conditions of the Davao City food panda riders, not just to avoid interruptions in the service, but more importantly, to install safeguards to ensure the protection of food delivery riders as they are also workers," aniya.

Sinabi pa nito na hindi man itinuturing sa ngayon na empleyado ang mga delivery riders, kabilang din sila sa mga manggagawa na naghahanapbuhay at tumutulong, hindi lang sa kanilang pamilya, kundi sa ekonomiya. 

National

Magalong, sang-ayon sa ginawang ‘courtesy resignation’ ng mga gabinete ni PBBM

Leonel Abasola