Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 5,411 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa bansa.

Sa case bulletin No. 491, umaabot na ngayon sa 1,507,755 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas hanggang 4:00 ng hapon nitong Linggo, Hulyo 18.

Gayunman, sa naturang bilang, 47,190 na lamang ang aktibong kaso o nagpapagaling pa o 3.1% ng total cases.

Sa aktibong kaso, 91.9% ang mild cases, 2.7% ang severe, 1.9% ang asymptomatic, 1.88% ang moderate at 1.6% ang kritikal.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

Nakapagtala rin naman ang DOH ng panibagong 5,439 na mga bagong gumaling sa karamdaman, sanhi upang umakyat na sa 1,433,851 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 95.1% ng total cases.

Naitala rin ang bagong 117 pang pasyente na namatay dahil sa kumplikasyon ng virus.

Sa ngayon umaabot na sa 26,714 ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.77% ng total cases.

Mary Ann Santiago