Nag-viral sa social media ang “nilupak” birthday cake, ng isang 11-anyos na batang lalaki na si Lixter. 

Photo courtesy: Lea Cruza/FB

Ayon kay Lea Cruza, kapatid ni Lixter, nais lang ng kanyang kapatid para sa kaarawan nito ay nilupak. Hindi, aniya, kagaya ng ibang bata na gusto ng mamahaling cake. 

Human-Interest

Concerts, certified stress reliever ayon sa psychologist?

Photo courtesy: Lea Cruza/FB

Naisipan ni Lea na gawing hugis cake ang nilupak, nilagyan niya ito ng pangalan at ng kandila na nagmistulang birthday cake ng kanyang kapatid.

Aniya, bukod sa cake nagluto sila ng pansit at kaunting ulam para pagsaluhan sa kaarawan ng kanilang kapatid.

Nagpapasalamat naman si Lea sa mga bumati sa kanyang kapatid. Hindi raw niya akalain na maraming mag like at share ng kanyang post.