Nakaamba na naman ang pagpapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa darating na Martes, Hulyo 20.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng P0.20 hanggang P0.30 sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene, at posibleng walang paggalaw o may dagdag na P0.10 sa presyo ng gasolina.

Ang nagbabadyang price adjustment ay bunsod ng pagbabago sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Nitong Hulyo 13,nagtaas ng P1.15 sa presyo ng kada litro ng gasolina, P0.65 sa kerosene at P0.60 naman sa diesel.

National

Abalos, tiwala sa kakayahan ni bagong DILG Sec. Jonvic Remulla

Bella Gamotea