Nabulabog ang mga residente ng Pola,Oriental Mindoro dahil ito ang napiling location site ng pelikulang pagtatambalan ng rumored couple na sina primetime king Coco Martin at Julia Montes.

Ipinagmamalaki naman ng Mayor ng Polar na si Jennifer Mindanao Cruz (dating aktres na si Ina Alegre),ang pagdating ng dalawa para i-shoot sa kanyang bayan ang nasabing pelikulang magsisilbing comeback movie ni Julia pagkatapos nitong mamahinga ng halos tatlong taong sa mundo ng showbiz.

Kumalat ang balitang nasa Oriental Mindoro ang dalawa pagkatapos i-post ni Mayor ang mga pictures ng dalawa, dahilan para kumalat ang balitang naroon nga sa Oriental Mindoro sina Coco at Julia kasama ang ibang cast ng film gaya ng aktor na si Raymart Santiago, Direk Brillante Mendoza na siyang direktor atco-producer ni Coco sa movie.

Ang nasabing untitled pang movie ay hinuhulaang magiging entry ni Coco at Brillante sa darating na 2021 Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ador V. Saluta