Patay ang isang 50-anyos na lalaki matapos makulong sa tinutuluyang bahay sa Ermita, Maynila, nitong Biyernes ng madaling araw.

Nakilala ng mga pulis ang nasawi na si Jose Nonie Gregorio.

Sa paunang ulat ng pulisya, bigla na lamang sumiklab ang tinutuluyan ni Gregorio na dalawang palapag na bahay sa No.443 Arquiza St., Brgy. 667, Ermita, dakong 1:04 ng madaling araw.

Eleksyon

'Maraming salamat sa tiwala, panahon na para kumilos!'—Sen. Kiko Pangilinan

Nang maapula ang apoy matapos ang dalawang oras ay natagpuan na lamang ang bangkay ni Gregorio sa kanyang kuwarto.

Hindi pa madetermina ng mga awtoridad sanhi ng insidente na tumupok ng₱60,000 halaga ng ari-arian.

Andrea Aro