Ipina-deport na ng Bureau of Immigration (BI) ang 10 na Japanese fugitives dahil sa umano'y pagkakasangkot sa big-time telecommunicationsfraud sa Tokyo.

Sa pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente, ang 10 na Hapon ay pinasakay na nila sa Japan Airlines na may flight patungong Narita sa Japan, dakong 10:00 ng umaga.

Inihayag ng opisyal na ang mga nasabing banyaga ay sinundo sa bansa ng mga pulis ng Japan matapos silang maaresto sa isang hotel sa Makati City noong Nobyembre 13, 2019, kasama ang 24 pang Japanese kaugnay ng nabanggit na kaso.

Eleksyon

Teddy Casiño, nakasama sina Heidi Mendoza, Luke Espiritu: ‘Maybe next time’

Aabot aniya sa P1 bilyon ang naloko ng mga ito sa kanilang naging biktima na pawang kababayan din ng mga ito.

Ariel Fernandez