Malapit nang maging ganap na batas ang panukalang regulasyon para sa industriya ng liquefied petroleum gas (LPG) na poprotekta sa kapakanan ng mga konsyumer laban sa iligal na paraan ng pagre-refill at mababang kalidad at depektibong tangke.
Aprubado na ng bicameral conference committee ng senado ang panukalang LPGIndustry Regulation Act na magtatakda ng alituntunin at pamantayan nadapat sundin ng mga domestic industry players, pati na rin angpagtatatag ng cylinder exchange and swapping program namagpapahintulot sa mga konsyumer na makabili ng LPG kahit na iba angbrand ng dalang tangke.
“Ngayong may napagkaisahang LPG bill na tayo para pamahalaan ang buong LPG industry, mapupunan na nito ang mga regulatory gaps na naging
balakid sa mga industry players at mapapalakas pa ang iba’t ibang mga regulasyong ipinatutupad ng gobyerno. Higit sa lahat, ito’y magtatalaga ng safety standards na unti-unting mag-aalis sa merkado ng mga depektibong tangke para lalo pang mabigyan ng proteksyon ang mga konsyumer,” ayon kay Senador Win Gatchalian, chairman ng Energy Committee.
Leonel Abasola