Nang dahil sa pag-amin ni Maris Racal sa relasyon nila ni dating Rivermaya frontman na si Rico Blanco, nasapawan tuloy ang publicity ng kanyang catchy single na 'Ate Sandali.' Marahil kung hindi sa malaking agwat ng kanilang edad ay baka walang pumuna sa kanilang relasyon.

Matagal nang big fan si Maris ni Rico at nagsimula ang maganda nilang pagtitinginan ng mag-collaborate sa awiting ‘Abot Langit.’

Maris at Rico

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Para sa magkasintahan hindi sila nababahala sa sasabihin ng tao at naniniwala silang 'age does'nt matter' sa pag-ibig.

Well, di ba’t napatunayan na ito nang pakasalan ni Vic Sotto si Pauline Luna?

Pareho silang walang sabit at ayon mismo kay Maris ay tanggap ng kanyang pamilya ang kanilang relasyon.

Worthy siguro na bigyan ng pansin ang very catchy song ni Maris na mapapa-yugyug kapag narinig. May sundot ang lyrics na parang nagpapayong “kung ayaw ka niyang pusuan. Wag mo ng subukan.”