Matapos ang mga bali-balita, opisyal nang kinilala ng GMA-7 si Mr. Johnny Manahan bilang bagong Kapuso.

Sa kanilang social media accounts, opisyal na ini-welcome ng network ang pagiging bagong Kapuso ng dating Star Magic head na mas kilala bilang Mr.M.

“It’s official! Meet our newest Kapuso, Mr. Johnny Manahan.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/gmanetwork/status/1414774418346291200?s=03

Una rito, nitong Lunes ay naglabas ang GMA ng teaser para sa isang paglipat ng malaking personalidad.

Post ng network sa kanilang social media account, “A pillar in Philippine entertainment is Making a Move.”

Naka-emphasis naman ang mga letters “M” sa post.

Kaya naman marami ang mabilis na nakumbinsing na ang Star Magic founder na si Mr.M ang tinutukoy ng post.

Matagal nang umiikot ang mga balita na lilipat sa Kapuso network si Mr.M matapos una nang maging bahagi ng GMA si Star Magic head Mariole Alberto.

Bukod pa rito, tila nauna na rin itong kumpirmahin ni Korina Sanchez sa kanyang Instagram post kamakailan.

Bukod sa pagiging film at television director, actor, at writer, kilala si Mr. M sa pagma-manage nito ng mga malalaking artista sa industriya.