Malungkot sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel sa pag-alis ng anak nilang si Mavy Legaspi dahil one month nila itong hindi makikita at makakapiling. Umalissi Mavy for Sorsogon para sa lock-in taping ng GMA-7 series na“I Left My Heart in Sorsogon”na pagbibidahan nina Heart Evangelista, Richard Yap, at Paolo Contis.

First time kasi mapapahiwalay ni Mavy sa kanyang parents at sa kakambal niyang si Cassy Legaspi kaya malungkot ang buong pamilya.

Sabi ni Zoren, “Its hard to let this guy go @mavylegaspi to spread his wings... come back with wider and longer wing...” na sinagot ni Mavy ng “Aye, love you brotha! I’ll be home soon, pa.”

Sabi naman ni Carmina, “All grown up... Time for you to spread your wings my forever baby boy @mavylegaspi. Always remember that we are here for you and we are all proud of you! Enjoy! I miss you already. First time kang malalayo samin. We love you Kuya @mavylegaspi. #clingy #OAnakungOA.”

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Tama lang na ganu’n ang maging reaction nina Zoren at Carmina, first time mahihiwalay sa kanila ng matagal si Mavy at may kalayuan ang Sorsogon. Kung puwede lang siguro nilang dalawin ang anak, kanilang gagawin, kaya lang, bawal ang bisita sa lock-in taping.

Si Mavy naman, kahit nalulungkot mapawalay sa pamilya, happy and excited ito dahil first teleserye niya ito, matagal niyang hinintay. Isa pang nagpapasaya at nagpapa-excite kay Mavy, si Kyline Alcantara ang kanyang makakapareha. Bukod sa gusto niya ang Kapuso actress, itinuturing din niya itong isa sa kanyang best friend. Masaya nga namang magtrabaho kung ang kasama mo ay ang taong gusto at mahal mo.

Nitz Miralles