Tuloy ang pangungulit ng netizens kay Bella Padilla na ibahagi na nito ang tungkol sa kanya umanong kasal.
Gayunman, mabilis na pinatay ng 30-anyos na aktres ang tsismis.
Sa Instagram, isang online user ang nagkomento sa recent photo ni Bella: “feeling ko kinasal kana jan yung singsing napansin ko.”
Pero, agad itong itinanggi ng akres sa pagsasabing “it’s my own ring.”

Matatandaang nagsimulang lumutang ang balita tungkol sa umano’y pagpapakasal ni Bella at paglipat abroad matapos mag-post ng emotional farewell message ang kanyang best friend na si Dani Barretto.
Nakadagdag pa sa intrigang ito, ang muling pagkikita ni Bella at ng kanyang Swiss-Italian boyfriend, na si Norman Ben Bay.

Sa katanuyan, kamakailan lamang, ay ipinost ng dalawa ang kanilang travel sa Tuscany.