Hindi mapepeke ang mga vaccination card na iniisyu ng Manila City government sa mga indibidwal na nabakunahan na kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.

Ang pahayag ay ginawa ni Manila Mayor Isko Moreno kasunod ng apela ng Department of Health (DOH) sa mga lokal na pamahalaan na mag-isyu ng lehitimo o hindi mapepekeng vaccination cards, habang hinihintay pa ang iisang sistema o format para sa vaccination certificate na ginagawa ng Department of Information Communications Technology (DICT).

May ginawa aniya silang diskarte upang hindi mapeke ang kanilang vaccination cards.

Idinahilan nito na hindi sila naglalabas ng "physical cards" at sa halip ay sa online lamang maaaring ma-access ang vaccination card o samanilacovid19vaccine.ph.

National

Ex-Pres. Duterte, wala raw tsinelas no'ng dalhin sa Netherlands—Sen. Bong Go

Dagdag pa niya, ang bawat vaccination card ng babakunahan o bakunado na ay may unique QR code na hindi basta-bastang magagaya o mapepeke.

Mary Ann Santiago