Isa sa mga bida si Aljur Abrenica sa bagong pelikula na “Nerissa.” Isang sexy thriller drama mula sa Viva Films. Kaya naman tamang-tama ito para tanungin ang aktor hinggil sa balitang naghiwalay na sila nig asawang si Kylie Padilla. Gayunman, nakiusap ang pamunuan ng Viva na isentro na lamang sa pelikula ang mga tanong bilang respeto sa pinagdadaanan ni Aljur.

Cindy at Aljur para sa 'Nerissa'

Noon pa man ay hindi matipid magsalita si Aljur may isyu na kinasasangkutan. Ang problema ngayon ay mismong father-in-law niyang si Robin ang nagsiwalat ng balita at sinasabing may third partyna sangkot sa hiwalayan. Respeto din at pang-unawa ang hiling ni Kylie dahil gusto nilang maging normal ang pagiging co-parents sa dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Samantala, ang “Nerissa” ay ang launching movie ni Cindy Miranda na dating Bb. Pilipinas Tourism.