Kinumpirma ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje nitong Linggo na mas marami pang doses ng CoronaVac vaccine mula sa Sinovac firm ang darating sa bansa sa Hulyo 14.

Ipinaliwanag ni Cabotaje, chief ng national vaccination operations center, ang mga naturang bakuna ay gagamitin sa isinasagawang vaccination drive laban sa COVID-19 sa mga priority areas ng pamahalaan, gaya ng NCR+8 areas, na kinabibilangan ng Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Metro Cebu, at Metro Davao.

Bukod sa NCR+8 areas, kasama rin sa listahan ng priority areas ng bansa sa COVID-19 ay ang mga lungsod ng Bacolod, Iloilo, Cagayan De Oro, Baguio, Zamboanga, Dumaguete, Tuguegarao, General Santos, Naga, at Legazpi

National

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes

“Sa July 14, may darating tayo na Sinovac para tuloy-tuloy ang pagbabakuna sa NCR+8,” ani Cabotaje, sa panayam sa radyo at telebisyon.

Kaugnay nito, tiniyak rin ni Cabotaje na nai-deploy na ng pamahalaan ang may 1.1 milyong doses ng AstraZeneca na idinonate ng Japanese government sa NCR+8 areas kamakailan.

Wala na kasi aniyang maiturok na bakuna sa National Capital Region (NCR) dahil sa kawalan ng suplay.

Mary Ann Santiago