Tila nagpapahiwatig si Willie Revillame na ipapasa niya ang kanyang role bilang TV host ng ‘Wowowin-Tutok To Win.”

Sa isang episode, pinag-uusapan ang tungkol sa “big decision” na gagawin niya “at the right time.”

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Sa tamang panahon sasabihin ko ho ‘yung magiging desisyon ko, at sasabihin ko dito sa programang ito,”aniya ng walang ibinibigay na detalye.

“Mawala man ako, gusto ko meron pa ring isang host na makakausap niyo. Kung sakali hong ang maging desisyon ko sa buhay ko ay mabigat, ipagdadasal ko itong mabuti, pag-iisipan ko itong mabuti.”

Nais pa rin niyang magpatuloy ang show.

“Dahil ang ganitong programa hindi dapat nawawala. Itong programang ito dapat ho ay laging nandiyan, mawala man ako sa mundo, sana meron pa ring Wowowin,” aniya.

“Siyempre dumarating ang time sa buhay mo na dapat kang magdesisyon, sa tamang panahon, sa tamang oras ho sasabihin ko kung ano ang magiging desisyon ko sa buhay. Iniisip ko lahat,” pagpapatuloy niya,“Sa bawat nakakasama ko sa industriyang ito, bago ako magdesisyon sa buhay ko kayo ang makakaalam, walang iba. Dito sa programang ito malalaman niyo ho kung ano ang desisyon ko. Abangan niyo po ‘yan, pero wala pang desisyon.”

Maraming nagtatanong na kung aalis ba ito para magkaroon ng “private life” o dahil papasok siya sa politika.