Inihayag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na nasa 20 percent ang target nilang populasyon sa National Capital Region na maaaring ma-fully vaccinated pagdating ng Agosto.

Walong porsiyentona aniya ng adult population sa Metro Manila ang fully vaccinated na.

“Actually, may mga LGUs (local government units) nga more than 20 percent [fully] vaccinated na, ayon kay David sa isang panayam nitong Sabado, Hulyo 10.

“Malaking bagay kasi 'yan kapag marami na talaga yung protected sa atin and ang palagay natin baka mga August ma-achieve na 'yung 20 percent.” aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ikinokonsidera ang 20 percent bilang landmark achievement habang hindi pa nakakamit ang “population protection.”

Ellalyn De Vera-Ruiz