Naniniwala si Senador Win Gatchalian na seryoso ang punong ehekutibo na wakasan ang red tape sa bansa sa pamamagitan ng pagbuo ngExecutive Order (EO) No. 143 na nagtatatag sa Energy Virtual One-Stop Shop Task Group (ETG) upang paigtingin ang pagpapatupad ng Energy Virtual One-Stop Shop ActoEVOSS.
Ang ETG ay magpapatuloy sa naiwang tungkulin ng steering committee na may layong paikliin ang proseso ng aplikasyon ng mga namumuhunan sa proyektong may kinalaman sa enerhiya. Napaso na kasi ang termino ng steering committee noong Marso ng taon.
Pinasalamatan ng senador ang Pangulo sa pagpapahalaga sa EVOSS upang labanan ang red tape sa sektor ng enerhiya na nagiging balakid sa pag-usbong ng mga bagong power plants. Si Gatchalian ang punong may-akda sa Senado ng EVOSS.
Ayon sa mga eksperto, naiwasan sana ang serye ng rotational brownouts na naranasan sa Luzon kamakailan lamang kung mayroon sapat na bilang ng mga power plantsna handang sumalo sa mga nagbagsakang mga planta, dahilan kung bakit nagka-yellow at red alert.
Leonel Abasola