Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na isang pasyente sa Davao Oriental na nagpositibo sa Beta variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang binawian ng buhay kamakailan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pasyente ay lalaki at 63 taong gulang.

Mayroon aniya itong comorbidities na hypertension at diabetes.

Tinamaan na ng COVID-19 ang pasyente at nang maisalang sa sequencing ay nagpositibo sa Beta variant.

National

‘I have no idea!’ Bato, wala raw alam sa ‘reward system’ para sa drug war

Noong Mayo 17, 2021 naman aniya nang tuluyan nang bawian ng buhay ang pasyente sa Davao Regional Medical Center.

Sa kabila naman nito,agad na pinawi ni Vergeire ang anumang posibleng pangamba o takot na idulot nito sa publiko.

Paliwanag niya, ang pasyente ay "very vulnerable" at maaaring naging factor ang mga sakit nito sa nangyari sa kanya.

Mary Ann Santiago