Ngayong Linggo, Hulyo 11, magpe-perform sa “ASAP Natin 'To” ang sikat at award-winning British rock band na “Coldplay.”

Sa pamamagitan ng kanilang Facebook post nagpahayag sila ng excitement sa pagkakataong maging guest sa ASAP at iniimbitahan ng four-piece band ang mga Kapamilya fans para sa kanilang nalalapit na performance at anila'y gagawin nilang isang “special one,” ang kanilang performance para sa longest running variety program sa bansa.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang Coldplay's appearance ay bahagi ng kanilang series of promotional activities para sa kanilang bagong released na single"Higher Power."

Sa isang Coldplay post, nakasaad ang kanilang pag-iimbita, "Hello Kapamilya! The band will be performing "Higher Power" for ASAP Natin To LIVE this Sunday, July 11, 12 NN on Kapamilya Channel, A2Z, and TV5. Please watch out for it - it's a special one! ABS-CBN."

Taong 2017, nang unang mag-perform ang “Coldplay” sa Pilipinas sa isang sold-out crowd sa Mall of Asia Concert Grounds.

Ador Saluta