Kinumpirma mismo ni Robin Padilla na hiwalay na nga ang anak na si Kylie Padilla sa asawa nitong si Aljur Abrenica. Ito'y pagkatapos ng ilang buwan ding pagtatago ng tunay na estado sa relasyon ng mag-asawa.

Nang mag guest si Robin Padilla sa vlog ni Ogie Diaz, diretsahang tinanong ni Ogie kay Robin kung paano niya hinarap ang isyu tungkol sa umano’y hiwalayan ng kanyang anak sa aktor na si Aljur.

Matatandaang nitong nakaraang Pebrero pa lang, naging usap-usapan sa social media ang mga naging posts ni Kylie sa kanyang Instagram kung saan nagpahayag ito na tila nakamtan na nito ang kalayaan dahil sa salitang “free." Kasama sa kanyang post ang larawan ng kamay na hindi suot ang kanyang wedding ring. 

"Noon pa, lagi kong tinatanong si Kylie, 'Argabyado ka ba?’ Hindi naman daw, 'Okay lang ako, Pa,’” kuwento ni Robin sa isang pagkakataong nakausap nito si Kylie.

Doc Willie Ong, na-touch sa mensahe ni VP Sara sa kaniya

"Ito, noong tinanong ko siya ulit, 'Anak, argabyado ka ba?' 'Hindi, Pa, ako ang nakipaghiwalay eh.’” sagot daw sa kanya. Sinabi pa ni Robin na problema ng mag-asawa 'yun at ayaw niyang makilam sa dalawa kung totoong hiwalay na nga ba. 

Hindi man diretsahang kinumpirma ng kanyang anak ang hiwalayan nila ni Aljur, inaamin naman nito na nasaktan siya sa nangyari sa kanyang anak. 

"Ang sakit, siyempre, sa akin. Siyempre. At saka nasa akin ang remembrance eh. Naiwan yung...yung mga apo nasa nanay. Pero hindi 'yun ano, hindi isyu ‘yun."Third party daw ang isa sa dahilan ng hiwalayang Aljur at Kylie.

"Meron daw eh (third party). Eh ka-imposiblehan ba 'yon? Hindi ‘yun ka-imposiblehan. 'Yun ang sinasabi ko kay Kylie, lalaki 'yan.” 

Hindi na raw umano kinaya ni Kylie kahit pa sinubukan pa nitong ipaliwanag ang mga bagay-bagay sa kanya.

 Komento ni Robin, "Sino maiintindihan ko? Eh lalaki ako. Kaya lang, hindi na uso ang mga martir ngayon. Tanggapin na natin 'yun. Wala na tayo dun. ‘Yun ang unang-unang sinabi ko kay Kylie noong nag-usap kami. Sabi ko, lalaki ang asawa mo. Pasalamat ka nga lalaki eh. Eh wala, hindi raw niya kaya.” 

Pinayuhan naman ni Robin sina Aljur at Kylie na itigil na ang pagpopost sa social media.

"Tumatawag si Aljur sa akin, hindi ko sinasagot. Minessage ko lang siya, sabi ko, 'isa lang ang gusto ko, tumigil kayo sa social media, nakakahiya yan! Isipin mga anak. Para sa akin lang, balang araw makikita ng mga anak niyo 'yan." pahayag pa ni Robin.

Sinubukan daw niyang payuhan ang dalawa na magkasundo dahil nakikita niyang nandoon pa rin ang pagmamahalan nung dalawa.

"Sa akin, ang dalawang mag-asawa na hindi na nagkakasundo, hindi kayo dapat maghiwalay nang magkaaway. Bakit? Nagmahalan naman kayo eh. Nasarapan naman kayo pareho. Hindi kayo kailangang mag-away."

"Dahil ano ang dahilan? Dahil nagtaksil yung isa? Tao ka, mangyayari at mangyayari 'yan. Hindi 'yan pwedeng hindi mangyari. Kalokohan. Lalo na nasa showbiz tayo.” bulalas pa niya.

Hindi na raw kailangan pang humingi ng "sorry" sa kanya si Aljur dahil never daw niyang sinaktan ang anak na si Kylie.

"Hindi na kailangan. Ang baduy nun, pare. Mag-sorry ka kung sinaktan mo nang pisikal. Iba 'yon, ha-hunting-in kita. Huwag mong gagawin sa anak ko 'yun. Hindi ko sinaktan 'yang batang 'yan."

Naniniwala naman si Robin na tanging ang mag-asawa lang ang makakapag-ayos ng kanilang problema at wala nang iba pang pwedeng mamagitan.

"Sa akin, opinyon ko, baduy sa akin 'yun. Wala tayong ano diyan eh. Kapag nilapitan mo ako, titingnan lang kita. Walang pwedeng umayos niyan kundi yung dalawa."saypa niya.

Ador V. Saluta