In-announce ngDreamscape na ipalalabas sa 41 countries sa Africa ang“FPJ’s Ang Probinsyano”ni Coco Martin simula ngayong Hulyo. Ida-dub ang action-drama series sa salita ng bansa kung saan siya ipalalabas at ang magiging title ay“Brother.

Hindi lang kami sigurado kung Cardo pa rin ang magiging pangalan ni Coco kapag ipinalabas sa Africa ang“Ang Probinsyano.”Ang tiyak, makikilala siya kapag airing na ang kanyang pinagbibidahang serye.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Mapapanood ang “Ang Probinsyano”sa Angola, Benin, Botswana, Burkina Faso, Burundi, Cameroon, Cape Verde, Central African Republic, Republic of the Congo, Democratic Republic of the Congo, Cote D’Ivoire,  Equatoril Guinea, Eritrea, Ethiopia, Gabon, The Gambia, Guinea, Guinea, Guinea-Bissau, Kenya, Lesotho, Liberia, Madagascar, Malawi,  Mali,  Mauritius, Mozambique, Nambia, Niger, Nigeria, Rwanda, Senegal, Seychelles, Sierra Leone, South Africa, Swaziland, Tanzania, Zanzibar,  Togo, Uganda, Zambia, at Zimbabwe.

Nitz Miralles