April 24, 2026

Home SHOWBIZ

Answered prayer! Kiray Celis, buntis na!

Answered prayer! Kiray Celis, buntis na!
Courtesy: Kiray Celis/IG

Ganap nang soon-to-be-parents ang comedienne-entrepreneur at dating Goin Bulilit star na si Kiray Celis at mister niyang si Stephan Estopia.

Sa isang social media post nitong BIyernes, Abril 24, ibinahagi ni Kiray ang isang video kung saan makikita ang pag-iyak niya nang malaman niyang buntis siya sa panganay nila ni Stephan.

"Ikaw ang pinakamatamis na sagot sa lahat ng panalangin namin," saad niya sa caption.

Napuno naman ng mga pagbati ang comment section mula sa mga netizens at mula sa mga showbiz at social media personality.

Matatandaang ikinasal sina Kiray at Stephan noong Disyembre 2025 sa Shrine of St. Therese, Pasay City.

Tsika at Intriga

Babala! Negosyo ni Angelica Panganiban at mister, ginagamit ng scammer

Maki-Balita: ‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

At nito lang Enero 2026, nakiisa ang mag-asawa sa Pista ng Poong Nazareno at humiling ng baby. 

Maki-Balita: Kiray Celis, humiling ng baby sa Poong Nazareno

Congratulations, Kiray and Stephan!