Isang Pinoy-Russian na babaeng negosyante at kasamang lalaki ang dinakip ng mga pulis nang makumpiskahan ng tinatayang aabot sa  ₱1.3 milyon halaga ng pinaniniwalaang shabu sa isang ikinasang buy-bust operation sa Parañaque City, nitong Martes.

Kinilala ni City Police Chief Col. Maximo Frial Sebastian, Jr, ang mga naaresto na sina Myrna Sobinsky, 47, may asawa, businesswoman, at taga-San No. 1 Sa Miguel Street, San Antonio Valley 6, Barangay San Isidro, Parañaque City at Marjun Estolonio, 30, binata, at taga-No. 5 Bethlehem St., Sitio Nazareth, Valley 6. Brgy. San Isidro.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District chief, Brig. Gen Jimili Macaraeg, inaresto ang dalawa sa ikinasang buy-bust operation sa bahay ni Sobinsky, dakong 4:15 ng hapon.

Nasamsam sa dalawa ang 200 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱1,360,000.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kaso.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa dalawang suspek

Bella Gamotea