Matapos i-share ni Sharon Cuneta ang nakakagulat na larawan kung saan parang may sinisipsip siya sa dibdib ni Marco Gumabao, na kuha sa isang eksena ng kanyang bagong pelikula na “Revirginized” ay agad umani ito ng puna mula sa nababahalang fans sa social media. Pakiramdan nila ay hindi bagay ang role para sa kanilang idolo. Nariyan din ang age factor.

Sa kanyang vlog ay ganito ang paliwanag ng Megastar, “sa apat na dekada ay ngayon lang ako gumawa ng isang naiibang pelikula na hindi nakasanayang panuorin ng mga fans.” It is experimental at tungkol ito sa pagbabagong naganap sa katauhan ng isang malungkot na babae.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Panuorin muna nila ang movie bago mag-react.

Ang direktor ng “Revirginized” ay si Daryl Yap na kung ibabatay sa pamagat ang pelikula ay controversial nga itong maituturing. Hindi napipikon si direk Daryl kapag hinuhusgahan agad ang pelikula niya. Advance publicity nga naman Ito. Scheduled for streaming ang pelikula sa Agosto.