Nakatakdang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga biktima ng pagbagsak ng C-10H Hercules plane ng Philippine Air Force (PAF) sa Sulu na ikinasawi ng 47 na sundalo at tatlong sibilyan, nitong Linggo ng umaga.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa idinaos na pagpupulong sa Malacañang nitong Lunes.
“If plans push through po, mukhang daraan po ang ating Presidente sa Zamboanga to visit some of those na nasa ospital po," aniya.
"Nagpapaabot po ng pakikiramay si Presidente Rodrigo Roa Duterte sa pamilya ng mga nasawi ng bumagsak na C-130 sa Sulu. Nagluluksa, hindi lamang ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, ngunit ang buong bansa sa malungkot na pangyayaring ito," paglalahad ni Roque.
Ipinagdarasal din aniya ng Pangulo ang agarang paggaling ng mga sundalong nasugatan sa insidente.
Bumagsak ang eroplanong sinasakyan ng 96 na sundalo matapos na magtangkang mag-landing sa airport sa Sulu na ikinamatay ng 50 katao.