Ngayong Lunes na ang world premiere ng bagong teleserye ng GMA-7 na “The World Between Us” na pinagbibidahan nina Alden Richards, Tom Rodriguez, at Jasmine Curtis-Smith. Nadoble ang excitement ng Kapuso viewers nang mapanood ang trailer ng teleserye at ipinakita ang kissing scene nina Alden at Jasmine.

Kinilig ang Kapuso viewers lalo’t ngayon lang may kissing scene sina Alden at Jasmine dahil ‘yung dalawa nilang naunang pinagtambalan, wala na ngang kissing scene, namatay pa ang karakter ni Jasmine.

Ang wish ngayon ng shippers nina Alden at Jasmine, hindi lang isa ang kissing scene ng dalawa at higit sa lahat, hindi mamatay ang karakter ni Jasmine. Sana raw, bigyan naman sila ng GMA-7 ng happy ending sa relasyon nina Louie (Alden) at Lia (Jasmine).

Natanong sina Alden at Jasmine kung saan galing ang chemistry nila at tanong kay Jasmine, wala bang magseselos sa kissing scene nila ni Alden? Ang alam kasi, may boyfriend siya, samantalang si Alden ay single.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sagot ni Alden, “we don’t really prepare for it, but for some reasons, lumalabas ang chemistry namin at kilig. May secret language na kami, kahit ‘di kami mag-usap, tinginan lang, alam na namin ang gagawin.”

Ayon naman kay Jasmine, “kailangan alisin ang inhibition in doing kissing scene, hindi magwu-work. We got the kilig going on at alam na namin how to hit the kilig.”

Nitz Miralles