BUTUAN CITY - Inalerto ng Police Regional Office sa Caraga (PRO-13) ang mga tauhan nito bunsod na rin ng banta ng mga miyembro ng New People's Army na lulusob sa mga presinto at bahay ng mga ito.
Sa pahayag ni PRO-13 Director Brig. Gen. Romeo Caramat Jr., hindi dapat magkampanteang mga pulis sa rehiyon upang hindi sila malusutan ng mga rebeldeng nag-o-operate sa lugar at sa mga kalapit na bayan.
“The NPA movement is now affected by the series of surrenders of their members and supporters. They attacked and destroyed equipment and businesses due to their failure to extract money extortions,” aniya.
Inihalimbawa nito ang nakaraang mga paglusob ng kilusan laban sa tropa ng pamahalaan upang ipakita na buo pa rin sila at makapangyarihan.
PNA