Natuldukan ang tsikang may tampo si Willie Revillame kay John Lloyd Cruz sa pinost ni director Bobot Mortiz ng dalawa. Maikli lang ang caption ni direk Bobot sa picture nina Willie at John Lloyd na magkasama at sabi lang, “Lloydie and Willie... Tutok na!”

Sa isa pang picture nina John Lloyd at Willie, kasama na nila si direk Bobot, si Randy Santiago at iba pang personalidad na hindi namin kilala. Hindi rin naman binanggit ni direk Bobot kung sino ang mga kasama nila sa litrato.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Sayang at hindi sinagot ni direk Bobot ang tanong kung para saan ang pagkikita nina John Lloyd at Willie? Kung para ba ito sa sitcom na iku-co-produced sana ni Willie with GMA-7, pero nabalitang umatras si Willie dahil ang balita nga, nagtampo siya kay John Lloyd.

Abangan ang mga susunod na balita sa pagkikitang ito nina John Lloyd at Willie, kung para saan nga ba ang pagkikita ng dalawa.

And speaking of John Lloyd, mukhang sisimulan na nito ang sitcom sa GMA-7 dahil nakipag-meeting na uli ang aktor sa bosses ng GMA Network. Kasama sa meeting si direk Bobot na siyang magdidirehe ng sitcom.Saka, inimbita na ni John Lloyd si Bea Alonzo na mag-guest sa sitcom at biro nga nito, kapag nag-guest si Bea, dapat silang dalawa lang sa buong episode ng sitcom.

Nitz Miralles