Makukulong ang sinumang mahuhuling nambabastos sa mga miyembro ng LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex at sexual) sa community Malabon City.

Ito ay matapos aprubahan ng konseho ng lungsod ang Ordinance No. 16-2018 na naglalayong alisin ang anumang uri ng diskriminasyon laban sa LGBTQIA members.

Pagkakakulong ng mula 60 araw hanggang isang taon depende sa desisyon ng korte o pagmumulta ng P5,000 ang sinumang lalabag sa naturang ordinansa. 

Eleksyon

Sara for President? VP Sara, inalis OVP seal sa kampanya; biro niya, palitan daw ng OP seal

Ipinasa ang lokal na batas sa lungsod bunsod na rin ng mga reklamo ng mga ito dahil sa natatanggap na pangungutya batay lamang sa kanilang sexual orientation, gender identity, at expression (SOGIE).

Umaasa naman ang konseho na walang sinuman ang lalabag sa ordinasa upang hindi sila masampulan ng naturang batas.

Orly Barcala