Wala pang natatanggap na reklamo angTask Force Against Corruption (TFAC) kaugnay ng alegasyon ni Senator Manny Pacquiao na may nagaganap na korapsyon sa Department of Health (DOH) sa pagpapatupad ng mga hakbang laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa.

Inilabas ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang pahayag bilang tugon sa hamon ni Pacquiao na imbestigahan ang DOH kaugnay ng nasabing usapin.

“Except for complaints relating to Dengvaxia (anti-dengue vaccine) and PhilHealth (Philippine Health Insurance Corporation), the TFAC has not received so far any other complaints against the DOH, particularly in connection with anti-COVID 19 pandemic expenditures,” aniya.

Nitong Martes, isinapubliko ng senador na kabilang lamang ang DOH sa mga ahensyang talamak ang korapsyon sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Eleksyon

VP Sara, nag-eendorso raw para sa impeachment trial—solons

Jeffrey Damicog