Dinepensahan ni Derek Ramsay si John Lloyd Cruz sa isang basher.

Sa comment, bagamat pinuri ng netizens si Derek sa pagiging maalaga nito sa anak ng kanyang fiancée na si Elias, hindi nagustuhan ni Derek na kailangang sabihan pa ng masama ang biological father nito, na si John Lloyd.

Sa katunayan, sinabihan pa ng basher ang ex-partner ni Ellen Adarna na dapat itong magpasalamat kay Derek sa paggawa ng dapat ay responsibilidad niya.

Sinagot naman ito ni Derek na sinabing “good father” naman si Lloydie kay Elias.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“Bro that’s not nice.”

Samantala, puno naman ng positibong komento ang ibang followers ng aktor kung gaano kapalad si Elias na magkaroon ng dalawang tatay na mahal siya.

Komento ng isa: “Why can’t we just be happy for these people? Y’all are so righteous and stuff but, in real life, are you as sensitive to other people’s feelings as you pretend to be? First we judge them for being together after their previous relationships, now we judge him for being a good step-father to his fiancee’s son? Shouldn’t that be what he’s doing? To love the child as his own? Did they deprive JL of his right to be a father to Elias? People just comment and say mean stuff but in reality we’re all just hypocrites. Get a life.”

Sa comment section, ilang bashers ang nag-iwan ng masasamang pahayag sa IG post ni Derek sa selebrasyon ng kaarawan ni Elias kamakailan.

Dito, isang Spiderman-themed party ang ibinigay ng engaged couple kay Elias.

Una rito, ipinagdiwang din ni John Lloyd ang kaarawan ng anak, gayundin ang Father’s Day kamakailan.

Maging ang manager ni Lloydie na si Maja Salvador ay ibinahagi ang pa-blowout para kay Elias.