Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 6,871 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa hanggang nitong Sabado.
Sa case bulletin na inilabas ng DOH dakong 4:00 ng hapon, umaabot na ngayon sa 1,391,911 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Paglilinaw naman ng DOH, sa bilang na ito ay 53,447 na lamang ang aktibong kaso.
Mayroon namang 8,720 na naitala na bagong gumaling mula sa virus.
Sa ngayon, ang kabuuang COVID-19 recoveries sa bansa ay umabot na sa 1,314,220 .
Mary Ann Santiago