CAMP MACABULOS, Tarlac City - Anim na sundalo ang naiulat na namatay, kabilang ang tatlong opisyal nang bumagsak ang sinasakyang Sikorsky helicopter matapos ang kanilang pagsasanay sa Barangay Sta. Juliana, Capas, Tarlac, nitong Miyerkules ng gabi.

Ang mga ito ay kinilala ni Police Col. Renante Cabico, Provincial Director ng Camp Macabulos, Tarlac City, na sina Lt. Col. Rexzon Pasco; Major Jaylord Constantino, Major Erano Belen; M/Sgt. Ronnie Reducto, T/Sgt Maricar  Laygo at Sgt. Leonardo Tandingan, pawang miyembro ng 205th Airbase na nakabase sa Mactan, Cebu na may Advance Command Post sa Clark Airbase sa Angeles City, Pampanga.

Sinabi naman ni Brigadier General Valeriano  De Leon, Police Regional Office-3 Director, katatapos lamang sumailalim sa training mission ng anim na sakay ng Philippine Air Force (PAF)-Sikorsky S-70i Black Hawk Combat Utility Helicopter ng 205th Airbase na nakabase sa Mactan, Cebu nang bumulusok ang mga ito sa Sitio Manabayukan, Brgy. Sta Juliana.

Sa paunang report ng pulisya, hindi na nakabalik ang helicopter sa takdang oras sa Clark Airbase sa Pampanga kaya nagsagawa kaagad ng paghahanap ang mga tauhan ng PAF sa mga kalapit na lugar.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay ng insidente.

Leandro Alborote