Pinatawan ng 3-month preventive suspension ang dalawang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos mag-viral ang kanilang extortion video sa Parañaque City kamakailan.

Sa pahayag ni MMDA Chairman Benhur Abalos, isinilbi mismo nito ang suspensyon sa trabaho nina Raul Gulmatico at Corazon Castañeda nitong Biyernes.

Paglilinaw ng opisyal, isinagawa nito ang hakbang habang isinasailalim sa imbestigasyon ang dalawang traffic enforcer.

Pagdidiin naman ng MMDA Legal and Legislative Affairs Office,“Gulmatico, in conspiracy with Castañeda extorted and received a certain amount of money from a motorist they apprehended in Baclaran in Parañaque City.”

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

Sa naturang footage, nakita si Castañeda na iniaabot ang traffic violation receipt kay Gulmatico, na nagtungo naman sa motorista.

Sa pagkakataong ito, nakita ang motorista na nag-abot ng pera kay Gulmatico na kaagad naman nitong tinanggap.

Ang dalawang enforcer ay direktang pinapasagot sa mga alegasyon laban sa kanila sa loob ng tatlong araw.

“Rest assured, our leadership shall continue cleansing our ranks of all kinds of erring personnel,” sabi pa ni Abalos.

Bella Gamotea