LA TRINIDAD,Benguet – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isa sa riding-in tandem ang city deputy prosecutor ng Ilagan City, Isabela nang pasukin ito sa kanilang compound sa Conner, Apayao, nitong hapon ng Hunyo 23.

Sa report ni Col. Elmer Ragay, chief ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office-Cordillera, nakilala ang biktima ay siAtty. Victor Domingo Begtang, Jr., taga-Sitio Hanhan, Barangay Malama, Conner, Apayao at nakatalaga sa City Prosecutor Office, Ilagan City.

Sa ulat ng Conner Police, ang biktima ay nasa loob ng compound ng kanyang bahaynang biglang sumulpot ang suspek at binaril ang biktima ng apat na beses, dakong 2:30 ng hapon.

Mabilis umanong tumakbo ang gunman patungo sa highway at sumakay sa nag-aabang na kasamahang naka-motorsiklo.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Naisugod pa ang biktima sa Conner District Hospital, gayunman, binawian na ito ng buhay.

Ayon kay Ragay, tutukan nila ang kaso upang matukoy at mahuli ang mga suspek sa krimen.

Kaugnay nito, mariing kinondena ng Integrated Bar of the Philippines-North Luzon sa pamumuno ni Atty. Lucky Damasen, ang pagpatay sa kanilang kasamahan (Begtang) na kilala nila bilang mahusay, respetado at may dedikasyon sa trabaho.

Ayon kay Damasen, ang pagpaslang kay Begtang ang unang insidente sa rehiyon at nakatakda silang maglabas ng official statement para kondenahin ang pamamaslang at hilingin sa pulisya na mabigyan ng hustisya ang pamamaslang sa bikitma.

Zaldy Comanda