Mukhang may patama na naman ang kapatid ni Devon Seron.

O baka nagmukha lang patama.

Nag-post kasi si Chriselda Seron kamakailan sa social media ng, “Binuking mo naman kuya (face with tears of joy emoji) wag ganun…”

Bagamat wala namang binanggit na pangalan, kumbinsido ang netizens na konektado ito sa kumalat na larawan kamakailan nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo sa Boracay.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Ang larawan ay uploaded sa social media ng isang tour guide sa lugar.

Caption nito, “Hellow Ma’am HEAVEN PERALEJO hope you Enjoy yung Tour natin:) insert Sir Kiko Estrada…”

Ilang araw pa lamang ang nakakaraan nang mag-post si Chriselda ng mga quotes na tila patama sa nag-viral na photo nina Heaven at Kiko.

Matatandaang nasangkot si Heaven bilang dahilan umano ng hiwalayan nina Kiko at Devon.

As of writing, hindi pa naglalabas ng statement sina Heaven at Kiko, tungkol sa kanilang dalawa.