Kabilang ang aktor si Matteo Guidicelli sa mga nakikinig ng “podcasting” na pinasok na rin ng ilang celebrities.

Sa pamamagitan ng Spotify, inilunsad ng health conscious na aktor kamakailan ang sariling podcast show na may titulong “Matt Runs.” Isang katuparan para kay Matteo na makausap ang iba’t ibang tao at maibahagi ang mga karanasan nila sa buhay na maaaring magsilbing inspirasyon.

Buena manong guest ng “Matt Runs” ang sportscaster Dyan Castillejo at ang anak nitong si Matthew.

Naging guest rin sa kanyang bagong show si bagong Armed Forces Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana, isang Medal of Valor Awardee.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matatandaang si Matteo ay isa ring army reservist na may ranggong second lieutenant.

Ayon sa aktor, welcome ang lahat sa “Matt Runs.” Co-production ito ni Matteo at Viva Talent Agency.

Sigurado kami na hindi malayong maging co-host ni Matteo ang asawang si Sarah Geronimo sa malapit na hinaharap.

Matteo